It's been a long time. I missed this. Ang dami nang nagbago, sa blogging world, sa buhay ko, sa akin.


For my "welcome-back-to-blogging" post, gusto ko lang magkwento at magshare ng mga nangyari sa buhay ko in the past few months. Kung dati naco-conscious ako sa grammar ko at nag-iisip ng creative writing and all, ngayon hindi, I just want to let my thoughts flow.

18 years and 8 months. Ganyan katagal ang ginugol ko sa pag-aaral. I spent most of my life in school. I thought once I earn my degree, I would be free from studying. Hindi pa pala, may review pa kasi. Eh bakit naman kasi sa dami ng course na pwedeng kunin, yung may board exam pa talaga ang napili ko. It would be long and boring if I tell you the entire story of how I ended up taking ECE, kaya wag nalang, gora na tayo sa next paragraph.

So ayun, 5 years sa college. Hindi madali, maraming ups and downs. Survivor talagang maituturing yung mga nakatapos ng Engineering course, matira matibay ang labanan. I graduated April 4, 2013, isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Kung pwede ko lang balikan yung moment na yun, gagawin ko araw-araw. Kahit dun na lang ako mag-stay. Pero hindi naman pwede yun eh. Hindi porket 'pagtatapos' ang Tagalog ng 'graduation' eh tapos narin lahat ng gawain mo. Kailangang magising sa katotohanan na hindi pa ko ganap na Inhinyero, wala pa akong lisensya, may board exam pa. Jusmiyo aral na naman? 

After graduation, konting YOLO days lang tapos may klase na sa review center. October pa yung exam, sa loob-loob ko: 6 months review? para sa 2-day exam. Ang tagal nun, sayang oras. Gusto ko na mag-trabaho. Right after grad, naging tambay na ko ng Jobstreet at JobsDB. I really wanted a part-time job so I could work while reviewing. Naisip ko na nuon pa na magiging mahirap, nag-dalawang isip din ako kasi baka hindi ako maka-aral ng maayos dahil sa trabaho. But I have to do this. One reason is because I need an income. Kailangan kong suportahan yung pamilya ko. Hindi naman kasi kami mayaman. Nung college ako, sa scholarships and benefactors lang kami nag-rely. Eh ngayon, paano na kami? Isa pa, ayoko maging bum. Feeling ko talaga sayang na sayang yung 6 months. Ayokong maki-join sa tumataas na unemployment rate ng Pilipinas. I want to jumpstart my career immediately. Ayos na ayos yun after ng board, may lisensya na ko, may work experience pa ko.

Then a crazy thought came to my mind, what if I teach? Hindi naman ako yung tipong "pangarap-ko-talagang-maging-teacher-eversince" person pero isa siya sa maraming bagay na gusto kong gawin sa buhay. I have a very high respect for the profession and I believe it's the most fulfilling job of all. Kahit gusto ko na siyang gawin, nag-dadalawang isip parin ako kasi sa tingin ko, hindi ako magaling magturo. Minsan kasi may mga bagay na alam mo naman kung ano at kung paano, pero hirap na hirap kang i-explain. Ganun ako eh. Hanggang sa may dumating na sign. A friend offered me a tutoring job in a learning center. Aalis na kasi siya dun at kailangan nya ng kapalit. I was really interested, I considered taking it. Pero may lightbulb na lumitaw at may kasama pang callout: "If I would be teaching, why not teach in UST, my alma mater?" Next thing I know I'm already applying in UST. To cut the long story short, I didn't do good in my teaching demo, but I still got the job. Woah.

I proved that teaching is really fulfilling. Masaya at nakaka-proud mapabilang sa ECE Faculty. Yung mga idol mong prof, ngayon "colleagues" mo na. I want to thank all of them for making me feel welcomed. Masaya rin na makasama ang mga students, feeling ko bumabata ako, parang estudyante lang din. The respect you get from them is priceless. Kahit na alam kong hindi ako magaling, marami pa akong bigas na kakainin. Kapag nakikita kong may natutunan sila kahit onti lang, sobrang saya na. Whenever they say a simple "thank you", it melts my heart. May pros and cons ang pagtuturo. Yung mga pros, sobrang dami. Yung cons, isa na don yung matinding pressure. Alam ng lahat na mag-eexam ako, at lahat sila nag-eexpect na papasa ako. My goodness kung alam niyo lang, masarap pakinggan yung good lucks and words of encouragement, pero nakaka-stress siya sobra. Nakakabaliw isipin na kapag bumagsak ako, ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga students ko? Expectations bring frustrations.

Ginamit ko nalang yung pressure para mas lalo akong ma-motivate mag-aral. Habang palapit ng palapit ang exam, patindi ng patindi ang kaba. Until one unexpected thing happened. One of the examiners, the chair of the ECE board passed away. A new set of examiners is needed. Our licensure examination was postponed, and the date was indefinite. Nung time na yon di ko alam kung matutuwa ba ako kasi may time pa para mag-aral o maiinis kasi pinatagal lang nila yung paghihirap namin. For one month hindi namin alam kung kelan na ba talaga yun exam. Nawala yung momentum, tinamad na lahat mag-aral. Naisip ko rin na wag na munang mag-take. Pero nung inannounce na sa December 14-15, 2013 na yung exam, sabi ko nalang "Sige magte-take na ko, bahala na."

We were given 8 months to prepare for the exam. Oo matagal na panahon yon, pero hindi ko nasulit. I regret those days na natulog o nagpaka-tamad ako instead na mag-aral. Pero hindi ko pinagsisisihan na nagtrabaho ako habang nagrereview. Kahit pa sobrang nakaka-drain ng energy at brain cells. Yung tipong review class sa umaga, lunch sandali tapos takbo na agad sa school dahil may klase pa. Matatapos ang klase ng 9pm, pag-uwi sa bahay instead na mag-aral, matutulog na lang sa sobrang pagod. Mahirap talaga. Multitasking to the highest level. Maraming beses kong inisip na malaki yung chance na bumagsak dahil hindi ako nakaka-aral. I cry every time I think of it. I've had doubts in myself, but I never had doubts in Him. Pinaubaya ko na lang sa Kanya lahat.

Yung one month before the exam siguro yung pinakamatindi. Kung sinu-sino na ang nakakapansin na madalas akong tulala. Minsan pumapasok ako sa klase ko ng wala sa sarili. Akala ko graduate na ko sa cramming, pero hindi pa pala. Two weeks before the board, dun lang ako nakapag-focus sa pagreview. I had to take a leave of absence para makahabol naman ako sa dami ng materials na hindi ko pa nababasa. Hindi ko rin natapos yung mga libro at reviewers na target ko dati pa. That's why I worry too much. Natatakot ako, I've had the feeling that I won't make it. Kulang na lang lahat ng santo tawagin ko para tulungan ako. Novena kay St. Jude, nag-alay ng itlog kay St. Clare, nagsimba sa Manaoag. FAITH lang ang tanging sandata ko sa exam.

Eto na, dumating na yung araw na matagal ko nang hinihintay. Hindi talaga ako nakatulog the night before the board sa sobrang kaba. Nung mismong araw ng exam, nagrereview parin ako sa labas ng classroom. Hindi ako mapakali, pinaka nakaka-kabang araw ng buhay ko. First exam: Math. Ang hirap. Bakit ganun. Second exam: Elecs. May mas hihirap pa pala sa Math. Bakit parang wala akong naaral. Naluluha na ko pero pinipigilan ko lang umiyak dahil mababasa yung answer sheet ko. Nakaka-lungkot yung first day, pero hindi pa tapos, may second day pa. GEAS and EST. Mahirap, nakakaiyak din. Sobrang unexpected yung mga lumabas sa board. It was quoted as the "hardest exam since the implementation of RA.9292 in 2007". Marami talagang nahirapan, at sabi nila ito na nga daw ang pinaka-credible na ECE board exam so far. Hindi pa lumalabas yung results pero parang alam ko na yung dapat kong iexpect. Gusto ko sanang alisin nalang sa isip ko eh, kaso day after the board, may klase pa ko, at lahat ng tao sa school nagtatanong.

As I wait for the results, wala akong ginawa kundi magdasal at humingi ng milagro. Kahit tanggap ko na kung ano man ang mangyari, I was still hopeful. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. I kept myself busy para hindi ako kabahan at mag-isip ng kung anu-ano. Parang ayaw ko pa lumabas yung result at the same time gusto na din, ang labo. Wednesday night, ito na, magkaka-alaman na. Nung nalaman kong lumabas na, ang una kong nakita ay yung sa Top 10. Wow, 3 Thomasians in the list! Nabuhayan ako ng loob nun. At masaya ako dahil for the first time in 10 years, bumalik na ang UST sa top. This is indeed the start of something good, sana sa mga susunod na exams mas magandang balita pa. Mga ilang minuto din akong tulala sa listahan, hanggang sa naisip kong tignan kung may complete list of passers na. Meron na. Shocks eto na. CTRL+F. Nanginginig pa ako habang nagtatype. Number 1094. Ako ba 'to? Wala naman siguro akong kapangalan no? Oh my God. Thank you, thank you Lord! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Totoo pala yung hindi nagsi-sink in, akala ko pang beauty pageant lang yun. Sobrang saya, para akong nabunutan ng espada sa dibdib. Sinabi ko agad kay mama, at naiyak ako.

Next thing I did was to look for the names of those close to me. Panandalian lang pala yung saya na nararamdaman ko. Bawat pangalan na hindi ko mahanap, dagdag sa sakit na nararamdaman ko. Yung tears of joy, naging tears of sadness. Hindi ko magawang maging masaya. Kung pwede ko lang yakapin isa-isa yung mga kaibigan ko nung time na yun. Gusto ko silang kausapin pero hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko pwedeng sabihin na "okay lang yan" kasi alam kong hindi sila okay. Ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay magdasal. I pray that God would give them strength and courage to keep them moving forward. Masakit din para sakin kasi nakita ko yung mga effort at paghihirap nila during the review period at kasama ko sila hanggang matapos yung exam. Guys, kasama niyo parin ako hanggang ngayon. Lagi kayong nasa prayers ko at alam kong malalampasan niyo to. Do not feel discouraged. Taking the exam is already an achievement. Nauna lang kami ng onti but that doesn't make us better than you. I know everyone of us will reach milestones. Pagdating sa trabaho, hindi naman titignan kung topnotcher ka ba o kung pang ilang take ka. Ang importante ay kung paano ka mag-trabaho at kung paano ka makisama sa mga tao. Sure ako lamang na lamang tayong mga Tomasino pagdating diyan. God bless UST ECE Batch 2013! Mahal ko kayo!

Ang dami ko na palang nakwento. Baka wala nang magbasa nito. Teka last na. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng tao na nakasama ko sa paglalakbay ko patungo sa kung ano man ako ngayon. I thank God for giving me a very loving and supportive family. Kayo ang motivation ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Thank you to all my friends, lahat ng naging teacher ko at sa mga students ko ngayon. Maraming salamat sa lahat-lahat.

All glory and praise to Him!

2 comments

  1. Randy gadgets // January 22, 2014 at 10:19 AM  

    Hi, very interesting post thanks for sharing. Would you
    please consider adding an intro to my website on your next post? Please email
    me back. Thanks!

    Randy
    randydavis387 at gmail.com

  2. Anonymous // February 1, 2022 at 1:07 AM  

    Merit Casino Login - xn--o80b910a26eepc81il5g.online
    All our casino login bonuses are paid out within 바카라사이트 24 메리트카지노 hours via the website, and they all count towards your 1xbet daily casino bonus amount!