Nagpunta ako sa school kanina para magrenew ng scholarship. Kumuha narin ako sa Dean's Office ng Schedule of Fees.
Ang mahal ng tuition. Pero di na ko nagulat. Sanay na.
Sa totoo lang, sulit naman talaga ang tuition fee, kung quality education ang pagbabasehan. Pero ang Miscellaneous + other fees + other charges? Yun ang padagdag sa bayarin. Hindi rin naman masyadong nagagamit.
1. Laging mag-library- Manghiram ng libro. Hindi ko naman sinabing basahin mo, basta hiramin mo lang. Tapos siyempre ibalik mo. Kapag mainit, tumambay sa library, sa tapat mismo ng aircon. Kapag umuulan, sa library sumilong. Yung iba kasi may phobia sa library eh, malaki kaya ang library fee!
2. Magpacheck-up kahit walang sakit- Alam niyo ba na kasama din sa miscellaneous ang medical at dental services? Kaya kung boring ang klase, magpanggap na nahihilo para makatulog sa clinic/health service. Note: acting skills required.
3. Mangolekta ng school paper/journal- Para sa mga UST students, akala niyo ba libre lang yung mga Varsitarian na inuupuan niyo tuwing Paskuhan? Binabayaran natin 'yon, pati ang mga journal ng bawat college/course.
4. Magcharge ng cellphone sa school- Sulitin ang binabayad na energy fee. Pwede rin ang laptop, PSP, iPod at lahat ng portable devices. Siguraduhing malapit ka sa saksakan habang nagchacharge. Mag-ingat sa magnanakaw. (Pramis, bumaba ang bill ng kuryente namin nung ginawa ko 'to. )
5. Mag Facebook sa computer lab- Pwede rin sa mga computers sa library dahil kasama yan sa computer fee. Kaso nga lang blocked ang Facebook sa UST, mabuti nalang may proxy sites. Naalala ko nung naglalaro lang kami ng games o kaya Tumblr dahil nakakatamad ang tatlong oras na Cisco class.
6. Maging suki sa Guidance office- Kasama din sa Misc ang Guidance Counseling fee kaya kung may problema ka sa pag-aaral, pamilya o lovelife, diretso ka na sa Guidance office!
7. Sumali sa mga org at school activities- Student activity fee, University wide org at seminar fee. Ilan lang yan sa mga binabayaran natin. Kaya sali lang ng sali, attend lang ng attend. Swerte mo pa kung may libreng chibog.
8. Mag-aral ng mabuti- Siyempre ito ang pinaka importante. Sa sobrang mahal ng matrikula, dapat lang talaga sulitin natin ang tuition. Para naman hindi sayang ang binabayad ng ating mga magulang. Kung meron kang hindi naiintindihan, magtanong sa Prof. Siguraduhing hindi ka lalabas ng classroom na walang natututunan. Piliting maipasa lahat ng subjects dahil gastos lang kapag bumagsak ka.
ung magpacheckup kahit walang skait ginagawa ko kahit ngayong nagwowork na ko. sayang eh. kasama sa binabayaran hehehehe
;)). nasulit ko ang library at ang varsi! ahaha. lalo na pag may event. ahaha
ayos to hah! nakakatawa siya, pero totoo. magawa nga lahat :D
hahaha nice claum! now lang ako nakadalaw ulit busy sa school! thnaks sa pag share ng tips hahaha :D
nice tip..good luck sa pag aaral mo..
Nice tips. Hehe. Di ko naman masyado napagdaanan yan. :)
somehow funny ... but true!
Funny pero truelalooo :))))))))
already did 1-7
Hi, Nice post thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.
Thanks!
Randy
randydavis387@gmail.com
Nice post and grea blog lay out.
http://hypnosis-sehat.info
nice tips...
www.arvin95.blogspot.com