Sinong may sabi na sa London lang uso ang Royal family? Meron din sa Pinas niyan 'no, kahit Republic/Democratic/Presidential pa ang type of government at hindi Monarkiya.

Kaso sa TV nga lang...

Sino ba naman ang makakalimot sa "Sarah, Ang Munting Prinsesa"?


Naalala ko lang bigla kasi nung isang araw may replay sa Studio 23. Ilang beses ko narin 'to napanood at dati talaga tuwang tuwa ako. Dahil sa palabas na 'yan, buong buo ang paniniwala ko na may snow talaga sa Pilipinas.

At siyempre kung may Prinsesa, dapat may Prinsipe rin. Naalala niyo pa ba ang "Cedie, Ang Munting Prinsipe"?
 

Ang mga titulo ng pelikula noon.. "[insert name here], Ang Munting [insert title here] ".

Ang sarap lang balikan ng ating kabataan.

Hanggang sa susunod na #SentiSabado!

1 comments

  1. shivam // August 8, 2012 at 6:23 PM  

    nice article and nice blog i like your idea