Nung first Tuesday of January, may nag-poopoo na ibon sakin after PE. Tapos ngayong first Tuesday of February, NANAKAWAN ako ng CELLPHONE. Nakakaiyak.
Ganito kasi yan, nakaupo ako sa bench while waiting for my turn para mag practical test. Bago maglaro chineck ko sa bag ko yung cellphone ko (na palagi kong ginagawa), hindi ko nilabas pero andun naman sa bag. Nung ako na yung maglalaro, siyempre iniwan ko yung bag ko (na lagi ko din ginagawa). Eh di ayun, enjoy naman ako sa pag-babadminton dahil di makapuntos yung kalaban. So nanalo ako, pinuri pa ni Sir yung "back-hand serve" ko. Pagbalik ko sa bench, sinilip ko kaagad yung bag ko then *poof!* naglaho bigla ang pinakamamahal kong cellphone. Grabe, kinapa ko na ang buong katawan ko at sinilip ko na sa bawat sulok ng bag ko (kahit kasing liit lang ng notebook yung bag ko), pero wala talaga. Naiiyak na ko. Sinabi ko kay Sir at dali-dali niya naman hininto ang paglalaro ng buong klase at chineck namin lahat ng bags na nandun. Pero siyempre, tulad ng lahat ng inspections, walang nakitang N73 na hanggang ngayon ay Christmas tree parin ang wallpaper.
Hindi ako maka get over. Hindi pa din kasi ako nananakawan/nawawalan/nahoholdap. Kahit wallet, ngayon lang talaga. SOBRANG importante pa naman sakin nung cellphone na yon, kahit luma na at di naman masyadong hightech. Hanggang pag-uwi sa bahay, hinihiling ko na sana naiwan ko lang yon sa kwarto. Kahit imposible dahil tinatawagan namin ay 'cannot be reached'. Nakakainis. Sarili kong ipon ang pinambili dun. At marami ding memories ang nandun. Nanghihinayang ako sa memory card at sim card. Dream cellphone ko pa naman ang N73 dati.
Haaay. Malungkot man pero life must go on. Mag-iipon nalang ako. Kahit alam kong matagal na panahon ang kailangan para mabili ko ang dream cellphone ko. Tuloy parin ang loading business ko. Pwede naman magload kahit sa ibang sim eh. Gagamitin ko muna yung sa mama ko. Mas magiging active na ko sa pagba-blog at sa ibang 'money-making schemes' ko. Para naman bumilis ang pag-iipon ko.
Nag-poopoo ang ibon, ninakaw ang cellphone. Tapos binalik yung prelim exam sa Physics. Thank God! Pasado ako! Pero malungkot kasi maraming di nakapasa. Lahat ng nakapaligid sakin, hindi pumasa. So swerte parin kahit paano dahil kahit mababa ang score, pasado parin! :)
God bless nalang sa kung sino man ang kumuha nun. Maaaring kailangang kailangan niya lang talaga, o baka naman habit niya. Ewan, basta konsensya niya nalan yun.
Parang kanta lang ni RJ Jimenez (na isang Thomasian), pero instead na "Miss kita pag Tuesday..", MALAS KO PAG TUESDAY!!
Malas ko 'pag Tuesday..
Posted by klomster | 5:49 PM | everyday life, filipino, personal, ust | 6 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
oh my! totoo ba ito Claum? Hindi ko inexpect na ganito yung mangyayari sa iyo. Tutal may google message ka na rin naman. Bilisan mo na lang ung pagincrease ng traffic sa site mo. Nalulungkot naman ako sa nangyari sa iyo...
di ko nga din expected. di pa nga rin ako makapaniwala. naninibago ako na walang binabasang text, at wala ng alarm. :(
at dahil dyan may nagtext..
ay, wala na nga pala kong phone. :(
nakow..nakikiramay ako..marami talagang salisi around uste..tsk./ ingatingats
nakow, eh bakit ba naman may mga magnanakaw, kakainis ang ganyan, pwede mong ipanalangin na sana eh maputol ang kanilang mga kamay. Medyo watch out ka na lang sa mga kamalasan kapag Tuesday. Thanks sa pag bisita sa aking isang site
RodLiz Nest. dami kong blogs eh, hehehe.
nakow, eh bakit ba naman may mga magnanakaw, kakainis ang ganyan, pwede mong ipanalangin na sana eh maputol ang kanilang mga kamay. Medyo watch out ka na lang sa mga kamalasan kapag Tuesday. Thanks sa pag bisita sa aking isang site
RodLiz Nest. dami kong blogs eh, hehehe.
oh my! totoo ba ito Claum? Hindi ko inexpect na ganito yung mangyayari sa iyo. Tutal may google message ka na rin naman. Bilisan mo na lang ung pagincrease ng traffic sa site mo. Nalulungkot naman ako sa nangyari sa iyo...