Showing posts with label filipino. Show all posts
Showing posts with label filipino. Show all posts

Pinost ito ng classmate ko sa Facebook. Naisip kong ishare sa inyo kasi inspiring. :)


This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number ka na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong school year at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.

Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito. 

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating mga magulang sa pagpapaaral satin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong makaahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang pakialam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hang-on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award. 

Classes will start in a few days so I bought all the things I needed for school. And there's only one thing I needed-- a notebook. I'm maarte in terms of choosing my notebook. I consider the quality, the design and the price. Last year, I bought a Stradmore wirepin notebook called "Why Ask Why?". It is full of interesting questions like, "Why are boxing rings square?" and "Is there another word for synonym?" It's a good thing I have that notebook because if the lecture is boring, I'd just stare on my notebook and suddenly my boredom would fade away.


For this year I bought a notebook called "Pinoy Signs." It contains funny but true characteristics most Filipino have. And since today is the 112th Independence Day, I will share with you some signs that really apply to me and other Filipinos out there.

Signs That You're PINOY:

Eleksyon na bukas.. Handa ka na ba?

Mahalaga ang gagampanan ng bawat Juan dela Cruz sa halalan. Hindi ito simpleng student council election nung high school, kung saan iboboto ang may pinakamaraming nabigay na flyers. Ang halalan na magaganap bukas ay ang magtatakda ng ating mga pinuno at ang kinabukasan ng bayan. Mahalaga na handa ang lahat sa darating na halalan upang walang mangyaring aberya. Kaya narito ang mga dapat natin tandaan:

1. Siguraduhing ikaw ay rehistradong botante. Kung hindi, huwag ka nang umasa na makakaboto ka bukas. Kahit magmakaawa ka sa Comelec ay hindi ka pabobotohin.

2. Mas mabuti kung pupunta nang maaga sa precinct na nakatalaga sayo upang maiwasan ang dami ng tao. Kung hindi mo pa alam kung saan ang precinct number at lugar kung saan ka boboto, punta ka dito--Comelec Precinct Finder.

3. Pwedeng magdala ng kodigo, ngunit bawal mangopya sa katabi. Mas mapapabilis kung may listahan ka na ng iboboto mo, bawal kasi magtagal ng 15 minuto sa pagboto. Huwag kang kokopya sa iyong katabi, baka mapagalitan ka ng guro.

4. Dahil automated na ang eleksyon, hindi mo na kailangan isulat ang pangalan ng mga kandidato. Markahan mo lang ang bilog na hugis itlog na katabi ng pangalan ng iboboto mo. Kung gusto mo ng malinaw na proseso ng pagboto, punta ka dito--How to accomplish the ballot.

5. Tandaan: huwag tiklupin, punitin, dumihan o maglagay ng unnecessary marks sa iyong balota. Hindi ito tatanggapin ng PCOS Machine.

6. Kung meron kang tanong o kung sakaling nagka problema, huwag mag-dalawang isip na lumapit sa mga guro, BEI o Board of Election Inspectors, at Comelec officials na nakatalaga sa iyong presinto.

Nawa'y nakatulong ang mga paalalang ito upang maging mas madali ang iyong pagboto. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating pagboto!

Maging matalinong botante. Huwag magpadala sa sabi sabi ng ibang tao. Iboto kung sino ang talagang napupusuan mo. Manalo o matalo man ang kandidato mo, ang mahalaga ay binoto mo kung sino ang gusto mo.

Jejemon Presidents

Posted by klomster | 4:18 PM | , , | 7 comments »

Ganito ang mangyayari kapag pinagsama ang dalawang 'hot topics' ngayon:

Jejemons + 2010 Elections = picture above
(taken from Facebook)

Di ko na siguro kailangan pang ipaliwanag kung ano ang Jejemon. Masyado nang maraming explanations ang makikita niyo sa FB, mga blogs at pati sa balita.

Observation: Kawawa si Noynoy sa picture na yan. Siya lang kasi ang walang ka-heart. Hahaha. :))

Yun lang. Ktnxbye.

eVIL LiAR??

Posted by klomster | 10:35 PM | , , | 3 comments »

I know I'm not in the right position to judge anyone, but I just want to share my thoughts and opinions about this certain person.

DISCLAIMER:
-I do not own the pictures on this post.
-I didn't get paid by anyone for posting this. 
-I am not a fan/supporter of Manny Villar, obviously.

Siguro naman alam nating lahat na si Manny Villar ang may pinaka-maraming ads mapa-tv man, radyo, facebook at pati google adsense, sinakop na niya. Kaya naman humahabol sa ratings itong si Mr. Check at pumapantay na sa unang pwesto.

Kung gaano kadami ang ads niya, ganun din naman kadami ang mga bumabatikos sa kanya. Sa totoo niyan, marami na ng kumakalat sa internet na mga pictures niya na inedit para maging comedy. Ang pinakafavorite ko ay ito:

Nung first Tuesday of January, may nag-poopoo na ibon sakin after PE. Tapos ngayong first Tuesday of February, NANAKAWAN ako ng CELLPHONE. Nakakaiyak.

Ganito kasi yan, nakaupo ako sa bench while waiting for my turn para mag practical test. Bago maglaro chineck ko sa bag ko yung cellphone ko (na palagi kong ginagawa), hindi ko nilabas pero andun naman sa bag. Nung ako na yung maglalaro, siyempre iniwan ko yung bag ko (na lagi ko din ginagawa). Eh di ayun, enjoy naman ako sa pag-babadminton dahil di makapuntos yung kalaban. So nanalo ako, pinuri pa ni Sir yung "back-hand serve" ko. Pagbalik ko sa bench, sinilip ko kaagad yung bag ko then *poof!* naglaho bigla ang pinakamamahal kong cellphone. Grabe, kinapa ko na ang buong katawan ko at sinilip ko na sa bawat sulok ng bag ko (kahit kasing liit lang ng notebook yung bag ko), pero wala talaga. Naiiyak na ko. Sinabi ko kay Sir at dali-dali niya naman hininto ang paglalaro ng buong klase at chineck namin lahat ng bags na nandun. Pero siyempre, tulad ng lahat ng inspections, walang nakitang N73 na hanggang ngayon ay Christmas tree parin ang wallpaper.


Rehistrado ka na ba?

Posted by klomster | 4:21 PM | , , , | 4 comments »

Alam niyo bang 196 days nalang bago ang 2010 Presidential Elections?

Ngayon palang abalang abala na ang mga "Politico Corrupto" (galing yan sa Mafia Wars. XD) sa paghahanda para sa darating na eleksyon. Siyempre, dapat hindi lang sila ang maging abala, dapat tayo rin. Kaya ko nga ginawa ang post na ito para ipaalala sa inyo na sa Oct. 31 na ang last day of registration! Habol pa yung mga di pa nakaparehistro! (for more info click here)