Eleksyon na bukas.. Handa ka na ba?
Mahalaga ang gagampanan ng bawat Juan dela Cruz sa halalan. Hindi ito simpleng student council election nung high school, kung saan iboboto ang may pinakamaraming nabigay na flyers. Ang halalan na magaganap bukas ay ang magtatakda ng ating mga pinuno at ang kinabukasan ng bayan. Mahalaga na handa ang lahat sa darating na halalan upang walang mangyaring aberya. Kaya narito ang mga dapat natin tandaan:
1. Siguraduhing ikaw ay rehistradong botante. Kung hindi, huwag ka nang umasa na makakaboto ka bukas. Kahit magmakaawa ka sa Comelec ay hindi ka pabobotohin.
2. Mas mabuti kung pupunta nang maaga sa precinct na nakatalaga sayo upang maiwasan ang dami ng tao. Kung hindi mo pa alam kung saan ang precinct number at lugar kung saan ka boboto, punta ka dito--Comelec Precinct Finder.
3. Pwedeng magdala ng kodigo, ngunit bawal mangopya sa katabi. Mas mapapabilis kung may listahan ka na ng iboboto mo, bawal kasi magtagal ng 15 minuto sa pagboto. Huwag kang kokopya sa iyong katabi, baka mapagalitan ka ng guro.
4. Dahil automated na ang eleksyon, hindi mo na kailangan isulat ang pangalan ng mga kandidato. Markahan mo lang ang bilog na hugis itlog na katabi ng pangalan ng iboboto mo. Kung gusto mo ng malinaw na proseso ng pagboto, punta ka dito--How to accomplish the ballot.
5. Tandaan: huwag tiklupin, punitin, dumihan o maglagay ng unnecessary marks sa iyong balota. Hindi ito tatanggapin ng PCOS Machine.
6. Kung meron kang tanong o kung sakaling nagka problema, huwag mag-dalawang isip na lumapit sa mga guro, BEI o Board of Election Inspectors, at Comelec officials na nakatalaga sa iyong presinto.
Nawa'y nakatulong ang mga paalalang ito upang maging mas madali ang iyong pagboto. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating pagboto!
Maging matalinong botante. Huwag magpadala sa sabi sabi ng ibang tao. Iboto kung sino ang talagang napupusuan mo. Manalo o matalo man ang kandidato mo, ang mahalaga ay binoto mo kung sino ang gusto mo.
Yeah I will..Yellow army lets have "unity"! Hahaha...Wee, nkakaba at first pero at least success kasi tanggap ng pCOS balota ko, haaixt! May post din ako about this in my blog, hope you can read! :)
Maraming salamat sa pagbisita sa aking blog :)
and yeah, mission success naman ang pagboto ko kaninang umaga ^_^
Isa ako sa mga pinaka-maagang bumoto sa precinct namin dito ^^
sayang hindi ako naboto sa unang automated election sa Pinas. pero next time siguraduhin makauwi para makaboto sa pinas!
SINO NA ANG NANALO? LOL
Hello po sa inyong lahat! Sana po ay naging successful ang inyong pagboto. At sana rin po pumayag kayong makipag-exchange link sa akin. Eto po ang link ko: http://bloghob.com
Mag-comment lang po kayo in any of my post on my site to notify me kung payag kayo. Please...
SINO NA ANG NANALO? LOL
sayang hindi ako naboto sa unang automated election sa Pinas. pero next time siguraduhin makauwi para makaboto sa pinas!