Alam niyo bang 196 days nalang bago ang 2010 Presidential Elections?
Ngayon palang abalang abala na ang mga "Politico Corrupto" (galing yan sa Mafia Wars. XD) sa paghahanda para sa darating na eleksyon. Siyempre, dapat hindi lang sila ang maging abala, dapat tayo rin. Kaya ko nga ginawa ang post na ito para ipaalala sa inyo na sa Oct. 31 na ang last day of registration! Habol pa yung mga di pa nakaparehistro! (for more info click here)
First time voter ako kaya excited talaga ako. Lalo na dahil automated na, hindi na tayo maghihintay ng matagal. Sana lang maging successful. Sa ngayon meron na kong nagugustuhang kandidato para sa President at Vice, kaya lang sa tingin ko dapat palit sila ng pwesto. :) Medyo metikuloso ako pagdating sa mga botohan. Kahit sa school gusto ko deserving yung iboboto ko.
Mahalaga ang papel na gagampanan ng bawat is sa atin sa darating na eleksyon, kaya huwag natin itong balewalain. Naniniwala ako na nasa ating mga kamay ang future ng Pinas, dahil tayo ang pipili sa mga leaders ng bayan. Kaya sana magparegister tayo lahat. Exercise your right to vote! At sana iboto natin ang sa tingin natin makakatulong sa bayan. :)
Rehistrado ka na ba?
Posted by klomster | 4:21 PM | election, filipino, news, politics | 4 comments »
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ay di pa ako nakakapag pa rehistro....
salamat sa pag papaalala.... sana lang maalala ko ito... makakalimutin na kasi ako... sign of old age... joke lang
nakaparehistro na ako..at alam ko na rin kung sino ang iboboto ko..
ay totoo ka! nasa kamay nating botante ang ikagaganda ng pinas!
i'm hoping for an honest election for once...one vote, one voice...our future.
ay totoo ka! nasa kamay nating botante ang ikagaganda ng pinas!
i'm hoping for an honest election for once...one vote, one voice...our future.