Nagpunta ako sa school kanina para magrenew ng scholarship. Kumuha narin ako sa Dean's Office ng Schedule of Fees.
Ang mahal ng tuition. Pero di na ko nagulat. Sanay na.
Sa totoo lang, sulit naman talaga ang tuition fee, kung quality education ang pagbabasehan. Pero ang Miscellaneous + other fees + other charges? Yun ang padagdag sa bayarin. Hindi rin naman masyadong nagagamit.
1. Laging mag-library- Manghiram ng libro. Hindi ko naman sinabing basahin mo, basta hiramin mo lang. Tapos siyempre ibalik mo. Kapag mainit, tumambay sa library, sa tapat mismo ng aircon. Kapag umuulan, sa library sumilong. Yung iba kasi may phobia sa library eh, malaki kaya ang library fee!
2. Magpacheck-up kahit walang sakit- Alam niyo ba na kasama din sa miscellaneous ang medical at dental services? Kaya kung boring ang klase, magpanggap na nahihilo para makatulog sa clinic/health service. Note: acting skills required.